Sa kagustuhang masulit ang bakasyon ng mga bata, sinusubukan
naming pumunta sa isang bagong lugar bawat weekend
noong tag-init. Sa paghahanap ng hindi-gaanong malayong lugar na maaaring
gugulan ng isang buong maghapon, napagpasyahan kong tumungo sa Biak-na-Bato noong
Abril 8, 2012. Bukod sa pagalalamyerda, inisip ko na ring magandang mapuntahan
ang mga makasaysayang lugar.
Ang Paglalakbay
Humigi’t kumulang dalawang oras ang pagalalakbay patungo sa
Biak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan. Dahil unang pagkakataon ko pa lamang na
magmaneho sa daang-Maharlika, may kabagalan ang pagpunta dahil kasama rito ang
pagmamasid at pagkuha ng mga larawan.
Huminto rin kami sa isang gasolinahan para makapag-inat-inat
at ako naman ay nagkape.
Pambansang Liwasan ng Biak-na-Bato
Bagama’t may kalayuan, hindi naman mahirap matunton ang
lugar. Unang babati sa iyo ang mga nagalalakihang puno na nagbibigay lilim
bagama’t mainit ang sikat ng araw. Sa isip-isip ko: “Aba, meron pa palang
ganito.” Agad na may sumalubong na guides
na may sukbit na mga ID sa amin. Matapos ang ilang minuto na pagpapaliwanag
ukol sa lugar at pagbabayad ng entrance
fee, sinamahan na kami ng aming guide
papasok sa loob.
Ayon sa mapa, ang lugar ay may higit na isang-daang kuweba
bagama’t ang loob ng parke ay may humigi-kumulang dalawampu na siyang
pinaka-napupuntahan ng mga namamasyal.
May historical marker pagpasok sa parke. Dito nakasaad ang
kahalagahan ng Biak-na-Bato sa kasaysayan ng Pilipinas.
Mga Kuweba at Ilog
Sa paglakad papasok, tatambad sa iyo ang mga rock formations.
Nagdesisyon an gaming guide
na sa Paniki Cave kami humimpil para
mag-picnic at maligo sa ilog. Dahil
medyo maaga pa, kami ang nauna na lugar at nakapili ng magandang puwesto para
paglatagan. Agad namang naglublob ang mga bata sa mababaw na lugar ng ilog.
Malamig na tubig, masayang paglubluban |
Hindi na kailangang lumayo upang maranasan ang ganitong kapaligiran |
Kay-sarap magpalamig |
Matatapos ang humigit-kumulang isang oras, pinasya na naming
pasyalan pa ang ibang lugar sa loob ng park. Nagsisimula na ring dumami ang mga
tao batay sa mga nasasalubong sa daan boses na naririnig mo sa likod ng mga
bato at puno.
Siyempre, dapat daanan ang Aguinaldo Cave. Ang
pinakamalaking kuweba na siyang nagsilbing punong himpilan ni Emilio Aguinaldo.
Niyaya kami ng aming guide na tumungo sa Maningning Cave.
Dito raw makikita ang mga makikislap na kristal. Bitbit ang flashlight, payuko
kaming pumasok sa kuweba. Dahil ang daan papasok ay pababa at may kadulasan,
nagpadausdos na lamang kami ng dahan-dahan.
Noon lamang ako nakapasok sa isang napakadilim na kuweba.
Nakakahanga nga ang mga bata sapagkat hindi sila natakot. Samantalang ako ay
huminto na pagdating sa isang madulas na lugar at hinintay na lamang silang
bumalik. Nakakuha rin naman ako ng larawan ng ibang makikislap na bagay.
Oras na ng tanghalian nang kami ay bumalik sa parking lot. Mabuti at may mga banyo
kung saan kami ay nakaligo bago kumain sa karinderya doon rin sa may parking lot.
Sa pangkalahatan, isang nakakapagod ngunit masayang
karanasan ang pagpunta sa Biak-na-bato. Malaki ang potensyal nito sa turismo.
Nais ko lamang din ilahad ang ilang puna ukol sa lugar:
- Maraming nagkalat na basura at plastik. Maganda kung maituturo sa bawat turistang magpupunta sa lugar ang kahalagahan ng hindi pagkakalat. Napaka-ganda ng lugar at huwag sanang hayaang masira ng mga kalat.
- Paninira ng mga kuweba. Maraming bandalismo ang iba’t ibang lugar. Nakakahinayang sapagkat hindi na maibabalik ang dating anyo ng mga ito. May mga natitinda rin ng mga kristal na kihuha mismo sa loob ng kuweba. Sana ay mapaalalahanan ang mga naninirahan sa lugar na sila ang unang dapat mangalaga ng kanilang kapaligiran.
Sana sa aming pagbalik, kundi man mas umayos ay hindi n
asana magtuloy-tuloy ang mga pagkasira ng lugar na aming nakita.
No comments:
Post a Comment