Para sa una kong tala sa blog na ito, gusto kong ikwento sa
inyo kung paano akong nagsimulang tumakbo…
Noong bata pa ako….
Bagama’t tumakbo-takbo ako sa paligid ng academic oval noong
nasa kolehiyo, hindi ko naman nasabi na ako’y isang ‘runner’. Ngunit noon pa ma’y
humanga na ako sa mga taong may-edad na, ngunit hamak na mas matagal at mas
malayo ang tinatakbo kaysa akin.
Tapos ay naging isang ina…
Limang taon matapos ang ikalawang panganganak, nagpasya ako
na panahon na para pagtuunan ko ng pansin ang aking kalusugan. Hindi ako
pwedeng maging overweight habambuhay. Nag-umpisa akong mag-gym at tumakbo.
Nabuo ang aking relasyon sa pagtakbo…
Hindi mahirap na mahalin ang pagtakbo. Kumpara sa dati kong
larong badminton, hamak na mas mura ito. Sarili ko lamang ang aking kailangan –
kahit walang kasama, makakatakbo pa rin ako. Sapatos at komportableng damit
lang ang kailangan – takbo na. Huwag ninyong isipin na kaya ko ito nagustuhan
ay dahil sa mabilis ako. Hindi. Gusto ko lang ang gawaing inilalagay ang isang
paa sa harap ng kabilang paa. Matapos ang halos walong buwan ng recreational
running, sinubukan kong lumahok sa isang Fun Run. Agosto, 2007 – dito nagsimula
ang para sa akin ay malalim na relasyon ko sa pagtakbo.
No comments:
Post a Comment