Ika-23 ng Hunyo, 2012
Sitio Malalim, Bgy. San Juan, Baras, Rizal
Ang pagatatanim ng puno ay karananiwan nang nasa listahan ng
mga dapat gawin ng isang tao habang siya ay nabubuhay.
Nakakuha ako ng paanyaya
mula sa Haribon Foundation para sa isang tree
planting activity at agad kong naisip na isasama ko ang aking mga anak para
rin maranasan nila ang ganitong gawain. Iyon nga lang, ang bunso ko lang ang
aking naisama.
Briefing muna |
Minsan na akong nakasama sa tree-planting noong 2010. Ang karaniwang larawan na iyong nakikita
kung saan tila isang malawak na bukirin ang tataniman ng mga binhi, ay isang
maliit na lugar lamang na karaniwang sinasakop ng tree-planting activity. Mas
malaking lugar ang nakalaan sa gilid ng bundok. Dito, habang binabalanse mo ang
iyong sarili na hindi dumausdos pababa, itinatanim mo ang binhi sa
butas-sa-lupa at pilit ring papahirin ang pawis na tumatagaktak mula sa iyong
noo.Ganito muli ang aming naranasan noong Sabado, Hunyo 23,
2012.
Munisipyo ng Baras |
Hukbong Pulis |
Pauwi, tulog sa kabuuan ng biyahe ang anak ko – napagod ng
husto. Pero nang tanungin ko kung gusto n’ya pang sumama ulit sa iba pang tree planting, isang malutong na OPO ang
sagot.
Pawisan kami pagkatapos |
Bilang isang ina at isang indibidwal na nagmamahal sa kalikasan, nais ko kayong anyayahan na subukan ang gawaing ito. Ang bawat binhi ng puno na iyong itatanim ay tiyak na magbibigay-buhay sa mga susunod na salinlahi.
No comments:
Post a Comment